Sinabi kahapon ng Kagawaran ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas na hindi ito gagawa ng bagong diyalogong diplomatiko sa Tsina hinggil sa isyu ng Huangyan Island. Ang pahayag na ito ng panig Pilipino ay muling nagpalabo sa prospek ng mapayapang paglutas sa kasalukuyang standoff sa Huangyan Island.
Sa isang panayam ngayong araw kaugnay nito, tinukoy ni Zhang Haiwen, dalubhasa mula sa Instituto ng Estratehiyang Pandagat ng Tsina, na ang standoff sa Huangyan Island ay dulot ng walang-katwirang probokasyon ng Pilipinas at iginigiit pa ng Pilipinas ang matigas na paninindigan sa isyung ito. Dahil dito, paulit-ulit aniyang nawala ang mga pagkakataon para sa mapayapang paglutas sa hidwaang ito.
Ipinalalagay din niyang sa kasalukuyan, nananatiling maingat at di-umiimik ang komunidad ng daigdig sa isyung ito, at ito aniya ay nagpapakita ng palagay ng iba't ibang bansa na hindi sila dapat makialam sa isyung ito at dapat lutasin ng Tsina at Pilipinas ang hidwaang ito sa pamamagitan ng bilateral na talastasan. Ani Zhang, ang paghihinto ng Pilipinas ng diyalogong diplomatiko sa Tsina ay magpapasidhi lamang sa kasalukuyang tensyon. Ito aniya ay hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at posible ring magsabotahe sa interes ng iba't ibang panig, sa gayon, masasadlak ang Pilipinas sa kalagayang ibukod.