Kinatagpo kahapon ni Deng Zhonghua, Direktor ng Departamento ng Suliranin ng Hanggahan at Dagat ng Ministring Panlabas ng Tsina, si Alex Chua, Charge d'affairs ng Embahadang Pilipino sa Tsina, para magharap ng solemnang representasyon sa panig Pilipino tungkol sa kahilingan nitong isumite sa International Arbitration ang karapatan ng pagmamay-ari sa soberanya ng Huangyan Island.
Tinukoy ni Deng, na ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at walang anumang batayang pambatas sa pagsusumite ng isyung ito sa International Arbitration. Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na totohanang igalang ang soberanya ng teritoryo ng Tsina, at huwag isagawa ang anumang aksyong posibleng magpapalawak at magpapasalimuot sa pangyayaring ito.
Salin: Li Feng