Kinumpirma kahapon ni Anthony Alcantara, puno ng Northern Luzon Command ng hukbong Pilipino, na nasa loob ng lagoon ng Huangyan Island ang 6 na bapor pangisda ng Pilipinas para mangisda.
Sinabi niyang hindi ipinagbabawal ng pamahalaang Pilipino ang pangingisda ng mga mangingisda ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island. Aniya pa, hindi kailangang mag-alinlangan ang mga mangingisdang Pilipino na pumunta sa Huangyan Island, dahil handa-handa na ang Coast Guard na tulungan sila at pangalagaan ang kanilang interes.
Samantala, ipinahayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na tiwala siyang hindi magsasagawa ang Tsina ng aksyong militar laban sa Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dahil aniya ang paggamit ng puwersang militar ay hindi magdudulot ng kapakinabangan sa alinmang panig.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nangangalap ang Pilipinas ng mga katibayan hinggil sa pang-aapi ng Tsina sa bansa, at posibleng iharap ang mga ito sa International Court of Justice.