Itinakda ng Estados Unidos (E.U.) at Pilipinas ang magkasamang estratehikong target sa "2+2" meeting kamakalawa sa Washington D.C.
Ang naturang mga target ay kinabibilangan ng pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan sa rehiyong Asya-Pasipiko, pagpapahigpit ng kooperasyon sa loob ng mga mekanismo na gaya ng ASEAN Summit at East Asia Summit, paggarantiya sa kalayaan ng paglalayag sa South China Sea at lehitimong negosyo, at pagkatig sa paglutas ng mga hidwaan sa ilalim ng balangkas ng pandaigdigang batas.
Sa nabanggit na pulong, inulit ng Amerika ang pangako at obligasyon sa Pilipinas batay sa kasunduan ng mutuwal na depensa.