Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"2+2"meeting ng Pilipinas at Amerika, binigyang-diin ang alyansang militar

(GMT+08:00) 2012-05-02 18:14:17       CRI

Nakipag-usap kamakalawa sa Washington sina Kalihim Hillary Clinton ng Estado, at Kalihim Leon Panetta ng Depensa ng Estados Unidos, kina Kalihim Albert F. Del Rosario ng mga Suliraning Panlabas at Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas. Sa magkasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pag-uusap, sinabi ng kapuwa panig na mas matibay kaysa kailanman ang alyansa ng Amerika at Pilipinas, nagpapakita ito ng "malalim at pangmatagalan" na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa; nananatiling pundasyon ng kanilang relasyong panseguridad ang Pilipino-American Mutual Defense Treaty, at muling tiniyak ng kapuwa panig ang komong obligasyon na itinakda ng kasundang ito.

Anang pahayag, igagarantiya ng panig Pilipino at Amerikano ang pananatiling "malakas, pleksible at may mabilis na reaksyon" ng alyansa para harapin ang pabagu-bagong kalagayang panrehiyon at pandaigdig.

Sa preskon pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Hillary Clinton na ang kauna-unahang "2+2" meeting nila ng Pilipinas ay nagpapakitang magkasamang nagkokonsentra ang dalawang bansa sa paglikha ng bagong kabanata ng kanilang partnership. Aniya, sa kalagayang nagiging pahalaga nang pahalaga ang katiwasayan at kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko, nagsisikap ang kanyang bansa para mapalakas ang alyansa, itatag ang bagong partnership, at lahukan ang multilateral na organong panrehiyon, kabilang dito, ang alyansang Amerikano-Pilipino ay "malawakang komong pagkabahala" batay sa kasaysayan.

Sinabi naman ni Del Rosario na naging milestone ang kasalukuyang pag-uusap. Aniya, ang pokus ng pagtalakay ng kapuwa panig ay inilagay sa kung paanong gagawa ng pinakamagandang reaksyon sa pangangailangan ng isa't isa.

Nang mabanggit ang insidente ng Huangyan Island, ipinahayag ni Clinton na kahit hindi magpapahayag ang panig Amerikano ng paninindigan nito sa alitang may kinalaman sa soberanya, may kapakanang pang-estado ang panig Amerikano sa mga aspektong gaya ng kalayaan ng paglalayag, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan, paggalang sa batas na pandaigdig at iba pa. Pananatilihin aniya ng panig Amerikano ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Pilipinas tungkol dito.

Sinabi naman ni Del Rosario na hinahanap ng panig Pilipino ang paglutas sa isyu ng Huangyan Island sa pamamagitan ng tsanel na pulitikal, pambatas at diplomatiko. Aniya, datapuwa't ipinahayag ng panig Amerikano na hindi makikialam sa alitang may kinalaman sa teritoryo, humiling din itong mapayapang lutasin ang alitan sa multilateral na paraan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>