|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
"Dapat maging makatarungan ang komunidad ng daigdig sa isyu ng Sudan at South Sudan, para maiwasan ang pagiging negatibo ng medyasyon ng Uniyong Aprikano(AU) hinggil sa isyung ito." Ito ang ipinahayag kahapon ni Li Baodong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations(UN), bilang tugon sa resolusyong pinagtibay kahapon sa UN panel hinggil sa kasalukuyang situwasyon ng Sudan at South Sudan.

Si Li Baodong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN
Sinabi ng kinatawang Tsino, na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa pagitan ng Sudan at South Sudan, at umaasa itong malulutas ang mga naiwang isyu ng naturang dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo, para mapanubalik ang kapayapaan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa, sa lalong madaling panahon.
Tinukoy din niya, na positibo ang Tsina sa paglutas ng mga mamamayang Aprikano sa mga suliraning panloob, at pagsisikap ng AU sa naturang isyu.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |