|
||||||||
|
||
Ang katatapos na "2+2" talastasan ng Pilipinas at Estados Unidos ay nakakatawag ng malaking pansin ng mga mediang Pilipino. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa, na bagama't ipinakita ng mga mediang Pilipino ang hangaring harapin ang Tsina sa pamamagitan ng puwersang Amerikano, at sa estratehiya, maaaring samantalahin ng Estados Unidos ang hidwaang pandagat sa pagitan ng Pilipinas at Tsina para mapalakas ang pananatili nito sa Asya-Pasipiko, hindi makikilahok ang Estados Unidos sa isang sandatahang sagupaan sa Tsina para rito lamang. Ang pag-aadopt ng isang di-malinaw na posisyon sa isyu ng South China Sea ay angkop sa estratehikong kapakanan ng Amerika.
Ayon sa pahayagang "Philippine Daily Inquirer" ng Pilipinas kahapon, sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkatapos ng naturang talastasan ng Amerika at Pilipinas, sinabi nito na magkasamang hahanapin ng dalawang bansa ang iba't ibang paraan para mapalakas ang kakayahan ng tanggulang bansa ng Pilipinas na kinabibilangan ng bilateral na kooperasyon at security aid project. Sinipi din ng pahayagang ito ang sinabi ni Peter Galvez, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na nagsasabing inulit ng Amerika ang obligasyon nito sa Pilipinas na itinakda sa "Mutual Defence Treaty Between the Republic of Philippines and the United States of America," ito aniya ay pinakamalaking bungang natamo sa nasabing talastasan.
Ayon naman sa pahayagang "The Philippine Star" kahapon, ipinahayag ni Albert F. del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na igagarantiya ng dalawang panig ang bisa ng naturang tratado. Aniya pa, kaugnay ng obligasyong dapat isabalikat ng Amerika, malinaw na ipinahayag ng Estados Unidos na hindi ito makikisangkot sa isang hidwaang may kinalaman sa teritoryo, ngunit ipinahayag din nito ang matatag na paninindigang mapayapang lutasin ang hidwaan sa South China Sea.
Bukod dito, nagpahayag ang ilang mediang Pilipino ng kawalang-kasiyahan sa di-malinaw na posisyon ng Amerika. Inihayag ng pahayagang "The Philippine Star" na bagama't inulit ng Amerika sa Pilipinas ang kahalagahan ng "Mutual Defence Treaty Between the Republic of Philippines and the United States of America", walang kibo pa rin ang Estados Unidos sa isyung "kung tutulungan o hindi ng Amerika ang kaalyado nito kung sisiklab ang sagupaan sa Huangyan Island."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |