|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa Heritage Foundation ng Estados Unidos, binigyang-diin kahapon ni Albert F. del Rosario, dumadalaw na Kalihim ng mga Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na ang South China Sea ay "nukleong interes" ng kanyang bansa. Aniya, ang pag-unlad ng kabuhayan at puwersang militar ng Tsina ay nagsasapanganib sa katayuan ng Amerika sa Asya-Pasipiko. Umaasa aniya ang Pilipinas na patuloy na patitingkarin ng Amerika ang namumunong papel nito sa Asya, at magkakaloob ng mas maraming pasilidad na militar sa Pilipinas.
Muli rin siyang nanawagan na gawing internasyonal na usapin ang isyu ng South China Sea, at umaasa aniya siyang gagamitin ng iba pang bansang may kinalaman sa alitan ang mga tsanel na pambatas, diplomatiko at pampatakaran upang malutas ang alitan sa naturang rehiyon.
Bukod dito, iniharap pa ni Del Rosario ang pag-asang ipagkakaloob ng Estados Unidos ang mas modernong pasilidad na militar sa kanyang bansa para mapalakas ang puwersang militar ng Pilipinas.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |