Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang magsisikap ang Pilipinas, kasama ng Tsina, para malutas ang isyu ng Huangyan Island sa diplomatikong paraan, at hindi na ito magpapalabas ng mga pananatili o gagawa ng mga aksyon para maging malawak, masalimuot, at internasyonal ang isyung naturan.
Dagdag pa niya, sa isyu ng South China Sea, pinaninindigan ng Tsina na dapat ay magkaroon ng tuwirang talastasan at pangkaibigang pagsasanggunian ang mga bansang may direktang kaugnayan sa isyung ito para malutas ang mga hidwaan.
Salin: Liu Kai