|
||||||||
|
||
Ang sumulat ng artikulong ito ay isang mamamayang Pilipino na nagngangalang "Victor Arches II." Sa artikulo, sinabi niyang ang Huangyan Island ay kabilang sa Tsina, dahil noong 1279, natuklasan ng Tsina ang islang ito at inilakip ito sa mapa, at mula noon, gumamit ng islang ito ang mga mangingisdang Tsino. Aniya, ang mapa na ginagamit ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas sa pag-angkin nito sa Huangyan Island ay ginawa noong 1820 na 541 taon pagkaraan ng nabanggit na mapa ng Tsina, kaya ang mapa ng Pilipinas ay walang karapatan sa pangunguna sa mapa ng Tsina.
Sinabi rin ni Arches na sa mga Konstitusyon ng Pilipinas mula noong 1899 hanggang 1987, hindi inilakip ng mga ito ang Spratlys o tinatawag na Nansha Islands sa Tsina at Scarborough Shoal sa declared national territory ng Pilipinas. Aniya pa, noong 1980, inilagay ng Tsina sa Huangyan Island ang isang stone marker kung saan nakasulat ang "South China Sea Scientific Expedition," pero inalis ito ng Pilipinas noong 1997 nang walang awtorisasyon.
Dagdag pa niya, ang batayan ng pag-angkin ng Pilipinas ng Huangyan Island ay 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, pero ito ay isang "convention" lamang, at wala rin itong bisa sa mga pangyayaring nakaraan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |