Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-angkin ng Pilipinas sa soberanya ng Huangyan Island, walang batayan

(GMT+08:00) 2012-05-07 18:43:25       CRI

Ipinahayag kahapon ni Wu Shicun, Presidente ng National Institute for South China Sea ng Tsina, na ang Huangyan Island ay katutubong teritoryo ng Tsina, at mayroong lubos na batayang historikal at pambatas ang Tsina sa soberanya ng islang ito. Aniya, kalokohan ang pag-angkin ng Pilipinas sa soberanya ng Huangyan Island.

Ipinahayag ni Wu na ang teritoryo ng Pilipinas ay itinakda ng isang serye ng kasunduang pandaigdig, kabilang dito, walang alinmang kasunduan ang may kinalaman sa Huangyan Island, at inilakip ng alinmang kasunduan ang naturang isla sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Wu Shicun, bago ang taong 1997, hindi kailanman'y iniharap ng Pilipinas ang alinmang duda sa pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng soberanong pangangasiwa at paggagalugad sa Huangyan Island. Noong huling dako ng ika-9 na dekada ng nakaraang siglo, may pagbabago ang pakikitungo ng Pilipinas sa naturang isla, at sinimulang iharap ang kahilingan sa soberanya nito. Ang batayan ng paninindigan ng Pilipinas ay, pangunahing na, umano'y "minanang soberanya", "nasa loob ng espesyal na sonang pangkabuhayan ng Pilipinas ang Huangyan Island", at "malapit sa Pilipinas sa heograpiya".

Kaugnay ng pananalitang "minana, umano, ng Pilipinas ang soboranya at karapatan sa pangangasiwa sa Huangyan Island mula sa mga Amerikano", ipinalalagay ni Wu na batay sa pandaigdig na batas, walang batayan ang ganitong paninindigan para pag-angkin ng Pilipinas ng islang ito, at babaguhin ang katotohang ang soberanya sa Huangyan Island ang Tsina.

Idineklara rin ng panig Pilipino na nasa loob ng 200 sea miles na espesyal na sonang pangkabuhayan ng Pilipinas ang Huangyan Island. Tungkol dito, sinabi ni Wu na ang umano'y "espesyal na sonang pangkabuhayan" ay batay sa unilateral na pagpapaliwanag ng Pilipinas sa "United Nations Convention on the Law of the Sea". Ang ganitong unilateral na paninindigan ay nakakapinsala sa teritoryo at soberanya ng Tsina, bagay na walang-taros na pagpapaliwanag sa nabanggit na kombensyon ng UN, at lumalabag din sa pundamental na simulain ng "Karta ng UN" hinggil sa di-paglapastangan sa teritoryo at soberanya.

Hinggil sa alegasyong "ari ng Pilipinas ang Huangyan Island, dahil malapit ito sa Pilipinas" naman, sinabi ni Wu na ang kalapitan sa heograpiya ay hindi nagsisilbing batayan ng pagsakop ng isang bansa sa teritoryo ng ibang bansa. Bukod dito, pinaghihiwalay ng Manila Trench ang Huangyan Island at Philippine Archipelago, at nagsilbi itong likas na demarkasyong heograpikal ng Macclesfield Bank (o tinatawag na Zhongsha Islands) ng Tsina at Philippine Archipelago.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>