Kinatagpo kahapon ni Fu Ying, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, si Alex Chua, Charge d'affairs ng Embahadang Pilipino sa Tsina, para magharap ng solemnang representasyon hinggil sa nangyayaring insidente sa Huangyan Island.
Sa pagtatagpo, binigyang-diin ni Fu, na ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at umaasa siyang hindi magpapatuloy ang paglala ng pangyayaring ito. Aniya pa, gumagawa rin ng iba't ibang paghahanda ang panig Tsino para harapin ang mga posibleng gagawin ng panig Pilipino kung sakaling lalawak ang pangyayaring ito.
Idinagdag pa ni Fu, na patuloy na igigiit ng panig Tsino ang paglutas sa naturang isyu sa diplomatikong paraan.
Salin: Li Feng