Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kilos ng Pilipinas, hindi makakatulong sa pagresolba ng problema

(GMT+08:00) 2012-05-08 19:06:06       CRI

Tumagal na nang halos isang buwan ang paglikha ng Pilipinas ng mga alitan sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island ng Tsina. Sa panahong ito, walang tigil ang mga kilos ng panig Pilipino, na gaya ng pagpapadala ng mga karagdagang bapor ng pulisyang pandagat, pagharap ng paghatol sa pandaigdig na tribunal, paulit-ulit na paghingi ng tulong ng Amerika, paghiling sa mga kapitbansa na ipahayag ang kani-kanilang paninindigan dito, pagpapatalastas ng pagbabago ng pangalan ng islang ito at pagtanggal ng lahat ng mga palatandaang walang kaugnayan sa Pilipinas, lalung lalo na, mga palatandaang may kinalaman sa Tsina sa Huangyan Island.

Nasiraan ng bait lamang ang Pilipinas sa tangkang agawin ang soberanya sa pamamagitan ng pagbabago ng pangalan ng teritoryo ng ibang bansa.

Sa kanyang pakikipag-usap kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa New York noong isang linggo, ipinahayag ni Albert F. Del Rosario, Kalihim ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas, na "sa naturang rehiyong pandagat na may mahalagang katuturang pangkabuhayan, pampulitika at estratehiko, napakahalaga ng pagpapanatili ng matatag na kalagayan." Pero, ang mga kilos ng panig Pilipino ay, sa katunayan, aksyon ng paglikha ng maigting na atmospera sa rehiyong ito, bagay na di-makakabuti sa katatagan ng kalagayan ng South China Sea, at ganap na salungat din sa nabanggit na pahayag ni Kalihim Del Rosario.

Ang realistiko at matalinong pagpili para sa Pilipinas ngayon ay agarang pagpapaurong ng lahat ng mga bapor nito mula sa karagatan ng Huangyan Island upang mapanumbalik ang mapayapa at matatag na kalagayan ng naturang karagatan, ito ang siyang tanging lunas sa insidente ng Huangyan Island. Nalaman na ng ilang Pilipino media ang kalagayang ito.

Walang katuwiran ang puwersahang pag-aagawan ng teritoryo ng ibang bansa, at walang kabuluhan din ang paglikha ng mga bagong alitan. Ang pagpapasalimuot at pagpapalawak ng kalagayan ng pangyayaring ito sa pamamagitan ng iba't ibang kilos ay nagdagdag lamang ng kahirapan sa paglutas sa problema, hinding hindi makakaapekto ito sa determinasyon at mithiin ng Tsina sa pangangalaga sa sariling katutubong teritoryo at soberanya, at ikahihiya lamang ng pamahalaang Pilipino ang sarili nitong aksyon sa wakas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>