|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskon kahapon, sinabi ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Pilipino, na aktuwal na tugunin ang pagkabahala at kahilingan ng panig Tsino.
Sinabi ni Hong, na ang kasalukuyang pangyayari sa Huangyan Island ay unilateral na dinulot ng panig Pilipino, at nitong ilang araw na nakalipas, lalo pang pinalala ng panig Pilipino ang pangyayaring ito. Hinihimok aniya ng Tsina ang Pilipinas na aktuwal na tugunin ang pagkabahala at kahilingan ng panig Tsino, at bumalik sa tumpak na landas upang malutas ang isyu ng Huangyan Island sa diplomatikong paraan.
Winika ito ni Hong nang sagutin niya ang mga tanong na may kinalaman sa pakikipagtagpo kamakalawa ni Fu Ying, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Alex Chua, Charge d'affairs ng Embahadang Pilipino sa Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |