|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Tong Xiaoling, Embahador na Tsino sa ASEAN, na kung kikilos ang Pilipinas ayon sa kanyang sariling kagustuhan hinggil sa insidente ng Huangyan Island, makakapinsala ito sa bilateral na relasyong Sino-Pilipino, na kinabibilangan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Ibinalita kamakailan ng media ng Pilipinas, na dahil sa insidente ng Huangyan Island, hindi nakapasa sa pagsusuri at kuwarantenas ng panig Tsino ang ilang saging na iniluwas ng Pilipinas sa Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag ni Tong, na ang pagsusuperbisa at pamamahala ng mga may kinalamang departamentong Tsino sa mga inaaangkat na pagkain, ay ganap na tugma sa normang pandaigdig, pandaigdigang batas, at hindi ito dapat i-ugnay sa insidente ng Huangyan Island.
Idinagdag pa ni Tong, na kamakailan ay nagkakaroon ng kahirapan sa talastasan sa pagitan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Pilipino, ang mga ito aniya ay nangyayari batay sa kapaligirang pampamilihan. Dagdag niya, "positibo pa rin ang pamahalaang Tsino sa pakikipag-usap sa panig Pilipino hinggil sa kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan."
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |