Ipinahayag kamakailan ng State Administration for Inspection at Quarantine ng Tsina na, sanhi ng pag-intercept ng salot sa mga prutas na inaangkat mula sa Pilipinas noong nagdaang taon, dapat pahigpitin ng lahat ng mga may kinalamang organo sa lokalidad ang pagsusuri sa mga prutas na galing sa naturang bansa.

Anito, kung mayroon ng peste o panganib ng peste ang prutas ng Pilipinas, tatanggihan o wawasakin ito batay sa mga may kinalamang quarantine regulation.
Paulit-ulit na inaabisuhan ng Tsina ang panig Pilipino hinggil dito, at hinihimok nito ang huli, na mag-imbestiga para mapabuti ang iniluluwas na produkto.