|
||||||||
|
||
Ayon sa China Radio International (CRI), kinumpirma ngayong araw ni Tong Xiaoling, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na napanumbalik na ng panig Pilipino ang diyalogong diplomatiko sa EMbahadang Tsino sa Pilipinas tungkol sa insidente ng Huangyan Island. Nananalig aniya siyang ito ay isang bagong progreso.
Ayon sa GMA News ng Pilipinas ngayong araw, isiniwalat kagabi sa media ni Albert F. del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na napanumbalik na ng panig Pilipino ang ganitong diyalogo sa panig Tsino. Ayon sa balita, ang diyalogo ay isinagawa sa pagitan ni Ma Keqing, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, at ng opisyal ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ayon kay Tong, pagkaraang maganap ang insidente ng Huangyan Island noong ika-10 ng nagdaang buwan, palagiang napanatili ng panig Tsino ang diplomatikong diyalogo sa panig Pilipino sa Beijing at Manila. Ngunit, noong unang dako ng nagdaang buwan, itinigil ng panig Pilipino ang diplomatikong pakikipagugnayan at diyalogo sa Embahadang Tsino sa Pilipinas hinggil sa insidenteng ito. Pagkaraan nito, sa mula't mula pa'y hinihimok ng panig Tsino ang panig Pilipino na patuloy na hanapin, kasama ng panig Tsino, ang kalutasang diplomatiko sa isyung ito.
Idinagdag pa ni Tong, na ang pagpapanumbalik ng panig Pilipino ng diyalogong diplomatiko sa panig Tsino sa Huangyan incident ay resulta ng pagsisikap ng panig Tsino.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |