|
||||||||
|
||
Ang Pilipinas ay hindi lamang nagbalak na lumikha ng insidente ng Huangyan Island, kundi walang humpay pang nagpalabas ng maaanghang na pananalita at lumikha ng mga di-makatwirang pangyayari. Kaugnay nito, ipinalabas ngayong araw ng "People's Daily" ang isang editoriyal na nagsasabing kung kikilos nang taliwas sa katwirang publiko, tatahak lamang sa maling direksyon. Dapat anitong alamin ng Pilipinas ang sarili.
Anang editoriyal, ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at ito ay di-mapabubulaanang katotohanang historikal.
Sinabi pa nito, na igigiit ng Tsina ang posisyong lutasin ang kasalukuyang pangyayari sa diplomatikong paraan. Ngunit, gumagawa rin ang Tsina ng iba't ibang paghahanda sakali't palakihin ng Pilipinas ang pangyayaring ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |