Kaugnay ng bagong diplomatikong mungkahing iniharap ng panig Pilipino sa pagpapahupa ng sitwasyon sa Huangyan Island, ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinubaybayan na ng panig Tsino ang may kinalamang posisyon ng panig Pilipino, at patuloy at mahigpit na susubaybayan nito ang pag-unlad ng sitwasyon at aktuwal na aksyon ng panig Pilipino.
Sinabi ni Hong, na kinumpirma ng panig Tsino ang pagpapanumbalik ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ng diplomatikong diyalogo sa Embahadang Tsino sa Pilipinas. Inulit aniya ng panig Tsino ang may kinalamang posisyon, at hinihiling sa panig Pilipino, na sa isyu ng Huangyan Island, igalang ang soberanya ng Tsina, at huwag isagawa ang anumang aksyong magpapalaki at magpapasalimuot sa pangyayaring ito.
Salin: Li Feng