|
||||||||
|
||
Noong ika-28 ng nagdaang Abril, nagpalabas ang Manila Standard Today ng artikulo ni Victor N. Arches II, isang investor na Pilipino na may pamagat "It Belongs to China" na nagsasabing batay sa mga katibayang pangkasaysayan, ang Scarborough Shoal o tinatawag na Huangyan Island sa Tsina ay teritoryo ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon, at hindi dapat linlangin ng Pilipinas ang kanyang sarili sa katotohanan ng isyung ito. Nang kapanayamin kamakailan ng mga mamamahayag, sinabi ni Arches na hindi siya natatakot sa pamahalaan, at sinabi lamang niya ang katotohanan.
Isinalaysay ng artikulo na noong 1279, minamarkahan ng Tsina ang islang ito sa mapa, at maraming dokumento ang nagpapatibay na ari ng Tsina ang Huangyan Island.
Sabi niyang para ipakita ang katotohanan sa mga mamamayang Pilipino, sinulat niya ang artikulong ito.
Aniya, iligal ang paghiling ng Pamahalaang Pilipino sa Tsina na iharap ang isyu ng Huangyan Island sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Aniya, dahil bumababa ang support rate ng mga mamamayan sa pamahalaan ni Benigno Aquino III, tinangka ng pamahalaan na samantalahin ang isyung ito para makuha ang mas maraming pagkatig. Ang pagkatig ng sirkulo ng batas at Kongresong Pilipino kay Aquino III ay para lamang sa kanilang sariling kapakanan at konsiderasyong pulitikal.
Sinabi ni Arches na hindi dapat gawing internasyonal ang isyu ng Huangyan Island. Sa kasalukuyan, neutral ang paninindigan ng ASEAN at Estados Unidos sa isyung ito. Ang kalutasan ng isyung ito, aniya, ay dapat ibatay sa pag-uusap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |