Nagpalabas kamakailan ng komentaryo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya ng pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing sapul nang maganap ang insidente ng Huangyan Island, sa kabila ng pagpipigil at pagtitimpi ng Tsina, walang humpay pa ring lumilikha ang Pilipinas ng mga kaguluhan, nagtatangka itong gawing internasyonal ang isyung ito at sulsulin ang mga mamamayan sa paglaban sa Tsina, at pinawalang-bahala rin nito ang mga tamang mungkahing iniharap ng Tsina hinggil sa diplomatikong paglutas sa isyung ito. Anito, hindi dapat i-underestimate ng panig Pilipino ang determinasyon at kakayahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa teritoryo at soberaniya ng bansa.
Tinukoy ng komentaryo na napagmamahal ang Tsina sa kapayapaan, ngunit sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa mga nukleong interes ng bansa na gaya ng teritoryo at soberaniya, hinding hindi makikipagkompromiso ang Tsina. Anito, hindi dapat i-underestimate ng panig Pilipino ang halagang dapat nitong pagbayaran sakali't lumalala ang kalagayan.
Dagdag pa nito, ipinahayag ng panig Pilipino na nagsisikap ito para iharap ang bagong diplomatic solution initiative, at umaasa ang Tsina na gagawin ng panig Pilipino ang sinabi nito.
Salin: Liu Kai