Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang panunulsol ng panig Pilipino sa mga mamamayan para magdaos ng demonstrasyon laban sa Tsina ay maling aksyong magpapalawak at magpapasalimuot ng kalagayan. Aniya, umaasa ang Tsina na tumpak na igagalang ng panig Pilipino ang teritoryo at soberanya ng Tsina, at hindi gagawa ng anumang aksyong magpapalala ng kalagayan.
Nang araw ring iyon, kinumpirma ng mga diplomatang Tsino sa Pilipinas na kaninang tanghali, halos 300 mamamayang Pilipino ang nagdaos ng demonstrasyon sa harapan ng Chinese Embassy sa Makati City.
Salin: Liu Kai