Sa kanyang artikulong ipinalabas kahapon sa Daily Inquirer, sinabi ni Rigoberto Tiglao, dating Presidential Spokesman ng Pilipinas, na kahiya-hiya at katawa-tawa ang paghaharap ng pamahalaan ni Aquino ng isyu ng Huangyan Island sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), at paghingi ng tulong mula sa Estados Unidos.
Sinabi ni Tiglao na kahit ang Pilipinas ay tulad din ng Tsina na hindi kumikilala sa mga tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na may kinalaman sa hidwaan sa teritoryo, walang katwiran ang Pilipinas na batikusin ang Tsina sa pagtanggi nitong magtungo sa ITLOS kaugnay ng isyu ng Huangyan Island. Aniya pa, ang E.U. naman, na inaasahan ng Pilipinas, ay hindi pa lumalahok sa UNCLOS.
Dagdag pa niya, una, si Ginoong Aquino ay nakagawa ng napakalaking pagkakamaling pagpapadala ng bapor de gera laban sa mga mangingisdang Tsino kaya naging militar ang alitan kahit pa pumihit pabalik ang naturang sasakyan nang maubusan ng suplay. Tapos ipinagdiinan niya na ang pagtatalo ay dapat desisyunan ng korte na hindi naman nagtataglay ng hurisdiksiyon sa kasong ito. Aniya, "ginagawa tayo ng pangulong ito na maging tampulan ng katatawanan ng mundo."
Salin: Liu Kai