Bilang tugon sa pangyayaring magdemonstrasyon ngayong araw ang ilang organisasyong di-pampamahalaan ng Pilipinas sa harap ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, isiniwalat kahapon ni Tagapagsalitang Zhang Hua ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na nagharap na ang embahadang Tsino ng solemnang representasyon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at iba pang may kinalamang departamento ng Pilipinas, at hinihiling aniya nito sa kanila na isagawa ang aktuwal na hakbangin para maigarantiya ang seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayang Tsino sa Pilipinas.
Salin: Li Feng