Ayon sa Xinhua News Agency, ipinalabas kagabi ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina (CNTA) ang travel security tips sa paglalakbay sa Pilipinas. Sinabi nito na posibleng gaganapin ngayong araw ang malawakang anti-China demonstration sa bansang Pilipinas, at dapat suspindihin ng mga turistang Tsino ang paglalakbay sa Pilipinas. Para sa mga tourist group at turista na nasa Pilipinas, dapat nila mahigpit na sundin ang batas at regulasyon sa lokalidad, at palakasin ang kamalayang panseguridad para maigarantiya ang seguridad sa sarili.
Napag-alaman ng mamamahayag mula sa iba't ibang malalaking travel agencies ng Tsina, na sa kasalukuyan, komprehensibing sinususpindi na ng mga travel agencies sa iba't ibang lugar ng bansa ang paglalakbay sa Pilipinas.
Salin: Li Feng