"Umaasa kaming malulutas ng Tsina at Pilipinas ang isyu ng Huangyan Island sa lalong madaling panahon." Ito ang ipinahayag kahapon ng Philippine Travel Agencies Association(PTAA), bilang tugon sa tour suspension ng autoridad Tsino sa Pilipinas, dahil sa paglalala ng kalagayang panseguridad sa huli.
Anito, ang pagpapasulong ng industriyang panturista ng Tsina at Pilipinas ay makakabuti hindi lamang sa pagtutulungan ng dalawang bansa, kundi maging interes ng mga mamamayan nito.
Ayon sa estadistika, ang Tsina ay nagsisilbing pang-apat na pangunahing pinanggalingan ng mga turista tungo sa Pilipinas. Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, bago naganap ang isyu ng Huangyan Island, lumaki ng 77% ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas, kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.