Ipinahayag kahapon ni Proceso Alcala, Kalihim ng Agrikultura ng Pilipinas na bubuuin nito ang isang espesyal na grupo para mapahigpit ang inspection at quarantine ng mga iniluluwas na prutas sa Tsina, na gaya ng mga saging at pinya.
Nauna rito, inabisuhan ng State Administration for Inspection and Quarantine ng Tsina ang Pilipinas kaugnay ng pag-intercept ng una sa mga peste sa mga prutas ng Pilipinas, at sinabing papahigpitin nito ang pagsusuri sa naturang mga prutas .
Ipinahayag ni Alcala, na ang produksyon ng punong saging ay nagsisilbing sandigan ng pambansang kabuhayan ng Pilipinas, na naghahatid ng 24% ng total na kita sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng bansa.