|
||||||||
|
||
Sa malayong tingin, ang insidente ng Huangyan Island ay alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, pero nalaman natin, may impluwensiya ang Estados Unidos sa insidenteng ito. Sa kanyang hayagang talumpati, ipinahayag minsan ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na hindi gagamitin ng Tsina ang sandatahang lakas dahil sa Amerika. Sinabi naman ni Albert F. Del Rosario, Kalihim ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas na pangangalagaan ng Amerika ang kanyang bansa para maiwasan ang anumang porma ng pagsalakay sa Pilipinas sa South China Sea. Sa katunayan, napakalaki ng presyur at kalituhan ng Estados Unidos tungkol dito, dahil humadlang ito sa umano'y kredibilidad ng kaalyado.
Pagkatapos ng World War II, itinatag ng Estados Unidos ang malawakang network ng kaalyadong militar sa buong mundo, at ang naturang mga kaalyadong bansa ay naging mahalagang tagapagsuporta ng estratehiya ng pagkontrol sa buong mundo ng Amerika. Nagsisilbing di-magbabagong paksa ng mga pangulo at estratehistang Amerikano ang kung papaanong mapapanatili ang ganitong network ng kaalyansa. Sa tingin nila, ang pinakamalaking banta na kinakaharap ng naturang network ay kung hindi napapanahong mapapangalagaan ng Amerika ang mga kaalyadong bansa nito habang nagaganap ang sagupaang militar, makakatawag ito ng pagdududa ng mga kaalyadong bansa sa kredibilidad nito.
Pero, posibleng gamitin ng ilang mapusok na kaalyado ang kaisipang "pinakamahalaga ang interes ng kaalyado", at sapilitang ilagay ang Estados Unidos sa di-kinakailangang sagupaan, maging sa digmaan. Ang ideolohiya ng Amerika sa deadlock ng kaalyado nito ay: upang maiwasan ang pagtalikod ng kaalyadong bansa sa covenant, dapat ipakita ang kredibilidad nito; pero sa pagpapakita naman ng kredibilidad, may posibilidad na sumuong ito sa may mabigat na halagang digmaan.
Ang kredibilidad na kailangang isaalang-alang ng Estados Unidos ay dapat maging kredibilidad sa mas mataas na antas sa labas ng bilateral na balangkas ng seguridad, at dapat umangkop sa pandaigdig na batas at norma ang ganitong kredibilidad. Dapat makatulong ito sa mapayapang paglutas sa mga problema at makabuti sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan, sa gayo'y maging sustenable ang ganitong kredibilidad.
Ipinahayag na ng Estados Unidos na hindi ito magpapahayag ng paninindigan sa isyu ng South China Sea. Ito ay isang positibong signal. Ang mas mahalaga'y hindi dapat humadlang sa umano'y kaalyadong "kredibilidad" ang Estados Unidos, at hinid ipadala ng maling impormasyon sa kaalyado nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |