Kahapon ay araw ng pagtataguyod ng mga civil society and political groups ng Pilipinas ng mga demonstrasyon laban sa Tsina sa harapan ng mga embahada at konsulada ng Tsina sa Pilipinas at ilang ibang bansa na gaya ng Estados Unidos, Australya, at iba pa. Pero, kaunti lamang ang mga kalahok sa mga demonstrasyon, at sa Sydney naman, walang tao ang lumahok sa nakatakdang protesta.
Mahinahon naman ang mga mamamayang Tsino sa kalagayang ito, pero naganap pa rin ang maliit na rali sa Tsina. Kahapon, sa harapan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, nagprotesta ang ilang mamamayang Tsino, at ipinakita nila ang isang banner na may nakasulat na "Ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng Tsina."