|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Diwa Guinigundo, Bise Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na maganda pa rin ang prospek ng kabuhayan ng kanyang bansa sa 2012. Ngunit, ang hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay makakapinsala sa kabuhayang Pilipino.
Ayon sa datos, noong nagdaang Marso, sa 4.302 bilyong dolyares na pagluluwas ng Pilipinas, 642 milyong dolyares ay iniluwas sa Tsina, katumbas ng 15% ng buong halaga ng pagluluwas. Ang Tsina ay ang ika-3 pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Pilipinas.
Noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng mahigit 70% ang bilang ng mga turistang Tsino na naglakbay sa Pilipinas. Ang Tsina naman ay ang ika-4 na pinakamalaking source country ng paglalakbay ng Pilipinas.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |