Mula alas-12 ng tanghali samakalawa, papasok ang karamihan sa mga rehiyong pandagat ng South China Sea sa fishing ban period na tatagal ng dalawa at kalahating buwan.
Nang kapanayamin ngayong araw ng China Radio International (CRI), sinabi ni Tong Xiaoling, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ang naturang fishing ban system ay sasaklaw sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island. Ngunit, binigyang-diin niya, na ang Huangyan Island ay palagiang teritoryo ng Tsina, at mayroon aniyang karapatan ang Tsina sa rehiyong pandagat na nakapaligid rito. Sa panahon ng fishing ban, patuloy na isasagawa ng mga Chinese fishery administration vessel at ocean surveillance vessel ang pamamatrolya at pagpapatupad ng batas sa lugar na ito.
Salin: Li Feng