|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula bukas, isasagawa ng may kinalamang departamento ng bansa ang fishing ban sa malaking bahagi ng rehiyong pandagat sa South China Sea, at ang layunin nito aniya ay mapangalagaan ang yaman-dagat dito, at wala itong anumang kaugnayan sa insidente ng Huangyan Island.
Ipinahayag ni Hong, na paulit-ulit na nagpahayag ang panig Tsino ng posisyon hinggil sa insidente ng Huangyan Island, at hindi nagbabago ang paninindigan ng panig Tsino na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng diplomatikong pagsasanggunian.
Noong ika-12 ng buwang ito, ipinahayag ni Albert Del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na hindi kailanman sasang-ayunan ng kanyang bansa ang kahilingan ng panig Tsino sa isyu ng Huangyan Island. Hahanapin aniya ng Pilipinas ang "komprehensibong kalutasan."
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |