Ipinahayag ngayong araw ng Bombo Radyo Philippines, na naniniwala si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III, na malapit naang mapahupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina tungkol sa isyu ng Huangyan Island (tinatawag na Panatag sa Pilipinas).
Ayon sa ulat, hindi pa isinisiwalat ni Aquino ang mga kongkretong hakbangin para sa pagpapahupa ng naturang tensyon. Pero, nagpahiwatig siya, na baka hindi na kailangang dalhin ang isyung ito sa International Tribunal on the Law of Sea (ITLOS).
Salin: Li Feng