Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ginamit ang iba't ibang paraan para mapayapang malutas ang alitan sa Huangyan Island

(GMT+08:00) 2012-05-15 15:31:12       CRI

Nitong nakalipas na isang buwan sapul nang maganap ang alitan ng Tsina at Pilipinas sa Huangyan Island, ginamit ng panig Tsino ang iba't ibang paraan upang mapayapaang malutas ang alitan.

Una, isinagawa ng panig Tsino ang maraming beses na representasyon at pakikipagsanggunian sa Pilipinas sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel, bagay na nagpapakita ng determinasyon at lakas-loob ng Tsina sa buong tatag na pangangalaga sa kapayapaang panrehiyon. Kahit mas malaki kaysa Pilipinas ang Tsina, sa proseso ng alitan sa Huangyan Island, sa mula't mula pa'y nagtitimpi ang Tsina, at nagpapahayag ng ideolohiya ng mapayapang diplomasiya nito sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel.

Ika-2, isinasagawa ng Tsina ang soberanya nito sa pamamagitan ng pagpapadala ng law enforcement vessels. Sunud-sunod na ipinadala ng panig Tsino ang maritime surveillance ship at fishery administration ship sa Huangyan Island para maisagawa ang tungkulin at mapangalagaan ang soberanya.

Ika-3, isinagawa ng Tsina ang pagpapaliwanag sa batas para mapatunayang pinakamaagang natuklasan, pinangalanan, ginalugad at pinangasiwaan ng Tsina ang naturang isla, at ipinaliwanag sa komunidad ng daigdig ang lehitimong soberanya ng Tsina sa Huangyan Island. Kasabay nito, pinayuhan ng Chinese media ang mga mamamayan na rasiyonal na tingnan ang alitan sa Huangyan Island, bagay na lumikha ng kondisyon para sa diplomatikong pagresolba ng alitan.

Mula alas-12 bukas, papasok sa dalawa't kalahating buwang panahon ng fishing ban ang karamihan sa mga rehiyong pandagat ng South China Sea. Ang Huangyan Island ay nasa saklaw ng pagbabawal sa pangingisda. Noong 1999, sinimulang isagawa ng Tsina ang ganitong sistema na naglalayong pangalagaan ang biolohikal na yamang pandagat ng kinauukulang rehiyong pandagat, at nagpapakita ito ng responsableng atityud ng Tsina bilang isang dakilang bansa.

Sa kasalukuyan, nagiging pahigpit nang pahigpit ang pagpapalagayang pangkabuhayan, pangkalakalan, pangkultura at panlipunan ng Tsina at Pilipinas, at nananatiling pangunahing tunguhin ang kooperasyon at win-win situation sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, maging ng iba't ibang bansa sa loob ng rehiyong ito. Humiling ang panig Tsino sa panig Pilipino na totohanang igalang ang teritoryo at soberanya ng Tsina, at hindi gagawa ng alinmang aksyon na magpapalawak at magpapasalimuot ng kalagayan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>