Inulit kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag ang determinasyon ng pamahalaan ng Tsina sa pangangalaga sa teritoryo at soberanya ng Huangyan Island, at nagsisikap ito para malutas ang isyung ito sa paraang diplomatiko.
Ayon pa sa ulat, ipinahayag na ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na malulutas ang isyu ng Huangyan Island sa malapit na hinaharap, at anya, hindi kailangang iharap ang isyung ito sa International Tribunal for the Law of the Sea. Bilang tugon, ipinahayag din ni Hong na hindi nagbago ang paninindigan ng pamahalaang Tsino, at umaasang malulutas ang isyung ito sa paraang diplomatiko.
Salin: Andrea