|
||||||||
|
||
Mula alas-12 kaninang tanghali, pumasok sa dalawa't kalahating buwang panahon ng fishing ban ang karamihan sa mga rehiyong pandagat ng South China Sea. Ang sistema ng fishing ban ng Tsina ay isang regular na patakaran sa pangangalaga sa biolohikal na yamang pandagat. Bukod sa rehiyong pandagat ng South China Sea, ang patakarang ito ay isinasagawa rin sa rehiyong pandagat ng Bohai Sea at East China Sea. Binigyang-diin ng mga diplomata at iskolar ng Tsina na sa panahon ng fishing ban, ipagpapatuloy ng mga fishery administration ship at maritime surveillance ship ng Tsina ang pamamatrolya at pagpapatupad ng batas, at paparusahan ang lahat ng mga Tsino't dayuhang bapor-pangisda na salungat sa fishing ban.
Sinimulang isagawa ng Tsina ang sistema ng fishing ban sa tag-init sa South China Sea noong 1999. Mula noong 2009, ang petsa ng pagsasagawa ng fishing ban ay naging regular na mula ika-16 ng Mayo hanggang unang araw ng Agosto tuwing taon.
Sa katunayan, pawang ipinalalagay ng mga iskolar na Tsino't dayuhan na ang tuluy-tuloy na pagsasagawa ng sistema ng fishing ban ay nagpapatingkad ng mahalagang papel para sa pagpigil sa pagpapaubos ng yaman ng pangingisda sa South China Sea, pagpapaiwas ng labis na pangingisda at paggarantiya sa sustenableng pag-unlad ng yaman. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Gong Yingchun, Propesor ng China Foreign Affairs University na,
"Ang labis na pangingisda at pag-unlad ng teknolohiya ng pangingisda ay nagbunsod ng malubhang epekto sa suplay ng yamang pangisda sa rehiyong pandagat sa paligid ng Tsina. Kasabay ng pagpapatupad ng karapatan sa pangangasiwa sa yamang biolohikal, pinalakas din ang pagsasagawa ng soberanya at hurisdiksyon. Ang layunin namin ay para mapangalagaan ang sustenableng paggamit ng yamang biolohikal. Ang pangangalaga sa yamang biolohikal sa loob ng espesyal na sonang pangkabuhayan ng sariling bansa ay hindi lamang karapatan, kundi rin obligasyon na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea."
Kahit maraming beses na ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang fishing ban ay walang kaugnayan sa kasalukuyang insidente ng Huangyan Island, hindi kinikilala ng panig Pilipino ang fishing ban sa katuwirang ang fishing ban ng Tsina ay sumasaklaw sa "espesyal na sonong pangkabuhayan" ng Pilipinas, at may intensyon itong magpapatalastas ang pagbabawal sa pangingisda.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Ginang Tong Xiaoling, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ang paligid ng Huangyan Island ay tradisyonal na lugar ng pangingisda ng mga mangingisdang Tsino, at walang saysay na buong tikis na nagpapalabas ng insidente ng Huangyan Island sa karatula ng patakaran ng fishing ban ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |