Ipinatalastas kahapon ng pamahalaan ng Pilipinas ang paghirang kina Domingo Lee at Cesar Zalamea, bilang sugo ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga suliranin sa Tsina. Si Zalamea ang mamamahala sa mga suliraning pampamumuhunan sa Tsina. Ang kanilang termino sa tungkulin ay tatagal ng kalahating taon.
Sinabi rin ng pamahalaang Pilipino, na ang naturang paghirang ay alinsunod sa nominasyong ginawa kamakailan ni Pangulong Aquino. Anito, ang isyung may kinalaman sa paghirang ng embahador sa Tsina ay nasa iskedyul din ng pangulo.