Ang karamihang bahagi ng South China Sea ay pormal na pumasok na kahapon sa taunang fishing ban period na tatagal ng dalawa at kalahating buwan. Nitong ilang araw na nakalipas, positibo ang malawak na masa ng mga mangingisdang lokal sa naturang fishing ban.
Upang mapalakas ang pamamahala sa may kinalamang rehiyong pandagat sa panahong bawal ang pangingisda at mabigyang-dagok ang mga ilegal na pangingisda na gawa ng bansang dayuhan, ipinadala na ng Kawanihan ng Pangingisda ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina sa SCS, ang dalawang fishery vessels papuntang bahaging rehiyong pandagat doon para maisagawa ang regular na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas.
Salin: Li Feng