|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Xu Ningning, Pangalawang Pirmihang Pangkalahatang Kalihim ng China-ASEAN Business Council(CABC), na nakadepende sa mga aksyon ng Pilipinas ang matatag na pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas. Aniya, kung normal ang relasyong pulitikal at pangkabuhayan, maalwang uunlad ang relasyong Sino-Pilipino.
Kamakailan, naapektuhan ng isyu ng Huangyan Island ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Ipinalalagay ni Xu, na ang relasyong pulitikal ay gabay ng pagpapaunlad ng pagtutulungang may mutuwal na kapakanan ng dalawang bansa, at palagiang iginigiit ng Tsina ang patakarang pagkakaibigan ng magkakapitbansa. Iminungkahi pa niyang totohanang ipatupad ng Pilipinas ang magkasanib na komunikeng Sino-Pilipino na ipinalabas nang dumalaw sa Tsina si Pangulong Benigno Aquino III noong 2011.
Sa naturang komunike, sumang-ayon ang dalawang panig, na ibayo pang palawakin ang halaga ng bilateral na kalakalan, at gawin itong 60 bilyong dolyares sa 2016. Samantala, ipinahayag ng dalawang panig na hindi dapat maapektuhan ng hidwaan sa rehiyong pandagat ang pagtutulungang pangkaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xu, na ang Tsina ay isa sa mga pangunahing pamilihan ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas. Kung mahahadlangan aniya ang pagluluwas ng mga saging, mangga, pinya, at iba pang prutas sa Tsina, malaki ang pinsala sa mga magsasakang Pilipino.
Ipinahayag ni Xu, na nitong nakalipas na 10 taon sapul nang itatag ang China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, 10 ulit na lumaki ang kalakalan ng Tsina at Pilipinas. Aniya, para sa karamihan ng mga mangangalakal na Pilipino, ayaw nilang makitang lumalaki ang pagkakaiba sa paninindigan ng Tsina at Pilipinas, at inaasahan nilang mapayapang malulutas ang naturang isyu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |