Nanumpa sa tungkulin ngayong araw sa Taipei si Ma Ying-jeou bilang lider ng Taiwan ng Tsina. Ito ang kanyang ikalawang termino bilang lider ng Taiwan.
Sa seremonya ng panunumpa, sinabi ni Ma, na ang mga mamamayang Tsino sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits ay nabibilang sa Nasyong Tsino at mayroong nagkakaisang kasaysayan, kultura, at ninuno. Kaya, sa kanyang bagong termino, sinabi niyang magsisikap siya para palawakin ang kooperasyon ng magkabilang pampang at patuloy na palalimin ang pagtitiwalaan.
Idinagdag pa niyang, sa darating na 4 taon, ang target ng tungkulin niya ay pasulungin ang pagiging mas masaya ng Taiwan.