|
||||||||
|
||
Winika ito ni Lacierda sa isang radio interview. Sinabi rin niyang para maipakita ang mapagkaibigang atityud sa naturang isyu, maingat ang Pilipinas sa kapwa pananalita at aksyon. Aniya, tulad ng sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, iginigiit ng Pilipinas ang paninindigan sa pagpapahupa ng tensyon sa Huangyan Island.
Kaugnay ng balitang umano'y lumalapit sa Pilipinas ang mga bapor pandigma ng Tsina, sinabi ni Lacierda na walang natanggap na ulat ang Malacañang hinggil dito, at wala pa ring ganitong impormasyon mula sa Sandatahang Lakas.
Ipinahayag naman kamakalawa ni Tagapagsalita Peter Paul Galvez ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, na malulutas ang insidente ng Huangyan Island sa pamamagitan ng diplomatikong paraan, at ang digmaan ay hindi gusto ng pamahalaang Pilipino.
Sa isa pang development, sa kanyang text message sa media, sinabi kahapon ni Albert del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na bukod sa Estados Unidos, tinutulungan din ng Hapon, Timog Korea, at Australya ang Pilipinas para mapalakas ang kakayahang pandepensa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |