|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin kamakailan ng pahayagang "Manila Bulletin," ipinahayag ni Kudashev, Embahador ng Rusya sa Pilipinas, na tinututulan ng kanyang bansa ang pakikisangkot ng anumang di-kinauukulang bansa sa alitan sa South China Sea.
Sinipi ngayong araw ng "Manila Bulletin" ang pananalita ni Kudashev, na nagsasabing kinakatigan ng Rusya ang pagkakaroon ng mga may kinalamang bansa ng mapayapang kalutasan sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.
Binigyang-diin pa niya, na hindi dapat makisangkot ang Rusya at Amerika sa alitang ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |