Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang paghimok ng Pilipinas sa anumang ika-3 panig na makigulo o makisangkot sa insidente ng Huangyan Island.
Ipinahayag kamakailan ni Kalihim Albert Del Rosario ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas na tinutulungan ng ilang bansa ang Pilipinas na magpalakas ng kakayahang pandepensa sa pinakamababang digri, bilang dagdag-tulong sa paghawak ng Pilipinas sa alitan nila ng Tsina sa teritoryo sa paraang diplomatiko. Ipinalalagay ng opinyong publiko na hinahangad ng Pilipinas ang pakikisangkot ng ika-3 panig, maging ng pakikisangkot na militar sa kasalukuyang insidente ng Huangyan Island. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Hong Lei na ang paghimok ng Pilipinas sa alinmang ika-3 panig para makigulo at makisangkot sa insidente ng Huangyan Island sa anumang paraan ay tiyak na ibayo pang magpapasidhi sa kalagayan at maaring makapagpabago pa sa esensya ng isyung ito, kaya buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino.
Tinukoy ni Hong na ang Huangyan Island ay katutubong teritoryo ng Tsina, palagiang aktibong pinapasulong ng panig Tsino ang pagbabago ng panig Pilipino ng maling aksyon nito sa pamamagitan ng pagsasangguniang diplomatiko, para mapahupa ang kalagayan at makatulong sa normal na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Salin:Vera