Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chief Justice Corona, humarap na sa senado; ibinunyag ang mga nasa likod ng impeachment case laban sa kanya

(GMT+08:00) 2012-05-22 19:06:08       CRI

HUMARAP na sa Senado ng Pilipinas na isa nang impeachment court si Chief Justice Renato C. Corona sa ika-apatnapung araw ng paglilitis.

Matapos panumpaing magsasabi ng pawang katotohanan lamang, nagbigay ng kanyang opening statements si Ginoong Corona at nagsabing nagpapaliwanag na siya sa hukuman at nakikipag-usap na sa mga mamamayang nakikinig sa radio at nanonood sa telebisyon.

Pinayagan siyang magsalita ng presiding officer na si Senate President Juan Ponce Enrile at tiniyak sa panig ng pag-uusig na maaari nilang gamitin sa cross examination.

Ani Ginoong Corona, ginamit na ng ehekutibo ang buong makinarya ng pamahalaan sapagkat isa siyang sagabal o tinik sa lalamunan. Isa ring dahilan ang paghihiganti ng isang nasa pamahalaan.

Nanawagan siyang tapusin na ang hidwaan sapagkat hindi umuusad ang bansa lalo't ang lahat ng hindi kaalyado ay kaaway.

Tiniyak ni Chief Justice Corona na wala siyang kasalanan at hindi siya nagnakaw sa pamahalaan. Hindi niya umano isasama ang kanyang pamilya sa paglilitis ngayong hapon kung siya'y may kasalanan.

Malinis umano ang kanyang kunsensya at wala siyang ginawang kasamaan laban kaninuman.

Ikinalungkot ni Ginoong Corona na lahat na ng kasinungalinan ang itinapon sa kanila. Binaboy pa rin umano ng pamahalaan ang batas tungkol sa foreign currency.

Nagtanong siya sa Lupon ng Paguusig kung naniniwala sila na sapat ang ebidensya, bakit kailangan pang mag-imbento ng mga akusasyon at black propaganda.

Tatlong dahilan ang binanggit ni Ginoong Corona ang nasa likod ng impeachment case laban sa kanya.

Unang dahilan ang usapin ng Hacienda Luisita na matagal na umanong pinakinabangan ng pamilya ni Pangulong Aquino na nagnanais pang bayaran ng bilyun-bilyong piso. Pinakinabangan na at pinagkakitaan ang Hacienda Luisita. Pangalawa ang kagustuhan umano ni Pangulong Aquino na ma-kontrol ang magkakapantay na sangay ng pamahalaan tulad ng ehekutibo, legislatibo at hudikatura. Pangatlo ang pag-kontrol kay Pangulong Aquino ng mga makakaliwang grupo sa pamumuno ng Kalihim Ronald Llamas.

Binanggit din ni Chief Justice Corona na naging mapait ang hidwaan ng mga magkakamag-anak na Basa. Nag-ugat umano ang hidwaan sa ari-arian ng pamilyang may sukat na dalawang ektarya sa Libis, Quezon City na ngayo'y nagkakahalaga ng P 2.5 bilyon ngayon.

Pinabulaanan din niya ang expose ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na mayroon siyang 82 dollar bank deposits, Ginamit din niya ang parehong power point presentation ni Ombdusman Morales.

Sa panig ng Malacanang, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte na kulang ang pagkakaunawa ni Chief Justice Renato Corona sa kahulugan ng katagang "quest for accountability." Hindi umano personal attack ang nagaganap ngayon bagkos ay ang maayos na pageehersisyo ng responsilidad ng pamahalaang parusahan ang mga nagkasala.

Nabigyan na siya ng kanyang araw sa hukuman at nakitang wala siyang pagunawa sa mga institusyon na tinawagan upang managot sa taongbayan.

Ang nag-uugnay sa tatlong sangay ng pamahalaan ay ang katarungan para sa lahat at walang sinumang makalulusot sa accountability. Ito ang buod ng rule of law at regime of truth and justice, dagdag pa ni Atty. Valte.

Bago nagtapos ng kanyang pahayag sa impeachment court si Chief Justice Corona, lumagda siya ng waiver na nagpapahintulot na buksan ang kanyang mga deposito sa bangko at lahat ng records ng kalakal na nakalista sa Bureau of Internal Revenue, Securities and Exchange Commission at Department of Trade and Industry.

Biglang umalis si Chief Justice Corona sa Impeachment Court at naging dahilan ng pagpapasara ng lahat ng pintuan ng Senado at walang pinayagang makaalis. Inutusan ng presiding officer na si Senate President Juan Ponce Enrile sa biglang pag-alis ni Chief Justice Corona.

Matapos ang labing-limang minuto, nabatid na bumaba ang blood sugar ni Chief Justice Corona kaya't umalis sa pagdinig. Inaalam ngayon kung ano ang magaganap at kung kakayahin pa ni Ginoong Corona na humarap sa paglilitis.

Ayon kay Senate President Enrile, bibigyan siya ng pagkakataong bumalik bukas upang sumagot sa mga katanungan ng mga taga-usig. Sa oras umanong hindi sumipot ang chief justice, ikokonsidera ng impeachment court na submitted for decision ang usapin.

Ang desisyon ay ibabase sa lahat ng ebidensyang naisumite sa impeachment court.

ASEAN – US DIALOGUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA MAYNILA

NATAPOS ang 25th Association of South East Asian Nations-United States Dialogue sa Maynila ngayong araw na ito.

Sa pahayag ni Undersecretary Erlinda F. Basilio, sinabi niyang ito ang paggunita sa ika-35 taon ng ASEAN-US Dialogue relations at kasabay ng ASEAN-US Eminent Persons Group.

Ayon kay Undersecretary Basilio, mahalaga para sa mga senior officials ng ASEAN at Estados Unidos na palawakin ang pagtutulungan partikular sa integration at community-building.

Pinag-usapan din ang matagumpay na pagtutulungan ng ASEAN at Estados Unidos sa larangan ng maritime security, transnational crimes, disaster risk reduction and response at papel ng mga kababaihan at kabataan.

Binigyang-diin din ang mga isyung may kinalaman sa edukasyon, terorismo at counter-terrorism.

Napag-usapan din ang kahalagahan ng pagpapatupad ng ASEAN-China Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ang kahalagahan ng Code of Conduct, na pinag-uusapan ng ASEAN at Tsina upang mapanatili ang kapayapaan, sa South China Sea.

Kabilang sa mahahalagang paksa ang agenda para sa ASEAN Regional Forum sa Phnom Penh sa buwan ng Hulyo at ang East Asia Summit at 4th US Asean Leaders' meeting sa Nobyembre 2012.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>