|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Voltaire Gazmin, Kalihim ng Tanggulan ng Pilipinas, na sa kasalukuyan, nagpapabilis ang kanyang bansa sa pagbili ng mga pinakabagong sandata at kasangkapan, para mapangalagaan ang teritoryo sa susunod na 5 taon.
Isiniwalat ni Gazmin, na nagsisikap ang pamahalaan ni Benigno Aquino III na pagtibayin ang isang badyet militar na nagkakahalaga ng 70 bilyong Piso o 1.67 bilyong dolyares, para mapasulong ang modernisasyong militar. Nang araw ring iyon, dumalo naman sa Estados Unidos (E.U.) si Jessie Dellosa, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng Pilipinas, sa seremonya ng pagtanggap ng ika-2 Hamilton class cutter ng E.U. sa kanyang bansa. Nauna rito, ipinahayag ni Alberto F. del Rosario, Kalihim ng Ministring Panlabas ng Pilipinas, na tumulong ang mga bansa sa Pilipinas para mapataas ang kakayahang pandepensa. Ipagkakaloob ng Hapon sa Pilipinas ang 12 patrol boat, isinasaalang-alang ngayon ng Pilipinas na bumili ng battleplane mula sa Timog Korea, at ipagkakaloob ng Australya ang rescue boat sa Pilipinas, at palalakasin nila ang kooperasyong militar.
Ayon sa isang taga-analisang Pilipino, ang naturang salita ni Rosario ay hindi bagong balita. Noong Marso ng taong ito, iniulat ng mass media ng Hapon na isinaalang-alang ng Hapon na magkaloob sa Pilipinas ng 10 patrol boat, at ang kooperasyon ng Pilipinas at Australya ay isang lumang balita na 3 o 4 na taong nakararaan. Ngunit, sa ngayong sensitibong sandaling ito, aktibo ang mga mataas na opisyal ng Pilipinas na isiniwalat ang naturang mga balita sa mass media ay para lamang makalikha ng impresyon na may ikatlong panig na nakisangkot sa insidente ng Huangyan Island. Ito ay napakasama para malutas ang isyung ito.
Ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang nagsisikap sa paraang diplomatiko ang Tsina para mapahupa ang situwasyon. Tiyak na mapapalala ng naturang aksyon ng pamahalaang Pilipino ang insidente, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina. Umaasa aniya ang Tsina na ipapalabas ng Pilipinas ang mga maliwanag at nagkaisang signal para makabuti sa pagsasagawa ng dalawang bansa ng mataimtim na diyalogo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |