Ipinahayag kahapon ng Malakanyang na iniutos na nitong iwasan ng lahat ng mga organo ng pamahalaan ang pagsasagawa ng alinmang aksyong posibleng magpasidhi ng maigting na kalagayan sa Huangyan Island.
Ipinahayag ni Abigail Valte, Pangalawang Tagapagsalita ng Malakanyang, na kahit nagpalabas na ang panig Pilipino ng "fishing ban", hindi nito madadakip ang mga mangingisdang Tsino na "nangingisda" sa naturang rehiyong pandagat. Pero, isasagawa pa rin aniya ng Coast Guard ng Pilipinas ang "pamamatrolya" sa karagatan ng Huangyan Island, para "maigrantiyang hindi papasok sa karagatan ng Huangyan Island ang mga mangingisdang Pilipino."
Salin: Vera