Ipininid kagabi sa Bonn, Alemanya, ang unang round ng talastasan ng UN hinggil sa pagbabago ng klima sa taong ito. Sa pamamagitan ng dalawang linggo na talastasan, tiniyak ang agenda ng Ad Hoc Working Group on the Durban Platform for Enhanced Action o tinatawag na Durban Platform, at pinili ang mga miyembro ng presidium nito.
Ang Durban Platform ay itinakda sa UN Climate Change Conference na idinaos sa Durban noong isang taon. Ang pangunahing tungkulin nito ay marating, bago ang taong 2015, ang isang dokumentong legal na sumasaklaw sa lahat ng mga signataryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change, at ito ang magiging batayan ng iba't ibang panig para sa pagpapatupad ng kombensyong ito, pagbabawas ng emisyon ng green house gas, at pagharap sa pagbabago ng klima pagkaraan ng taong 2020.