Sa Phnom Penh — Kinatagpo dito kahapon ni Liang Guanglie, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, si Voltaire Gazmin, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas na kalahok sa Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng ASEAN. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Sinabi ni Liang na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino, at isinasagawa ng Tsina ang maraming positibong hakbangin para rito.
Tinukoy pa ni Liang na ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at walang anumang pagdududa hinggil dito. Hinihiling aniya ng panig Tsino sa panig Pilipino na aktuwal na igalang ang soberanya ng Tsina, at huwag isagawa ang anumang aksyong posibleng magpapasalimuot at magpapalawak ng insidente ng Huangyan Island.
Sinabi naman ni Voltaire Gazmin na kasabay ng paghawak ng mga departamentong diplomatiko ng dalawang bansa sa may kinalamang sensitibong isyu, umaasa aniya siyang mapapanatili ng mga departamentong pandepensa ng dalawang bansa ang pagkokoordinahan para mapasulong ang mapayapa at maayos na paglutas sa may kinalamang isyu.
Salin: Li Feng