Kaugnay ng walang tigil na pagpapalawak kamakailan ng Pilipinas ng puwersang militar ng hukbong pandagat nito sa pamamagitan ng alitan sa Huangyan Island, ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang pagpapapasok ng panig Pilipino ng sandata at pasilidad, at pagmamalaki ng konprontasyong militar ay hindi makakabuti sa paglutas ng problema. Umaasa aniya ang panig Tsino na ititigil ng panig Pilipino ang pananalita at aksyon na magpapasalimuot at magpapalawak ng kalagayan ng insidente ng Huangyan Island, at mapapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ipinahayag ni Yang na ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. Umaasa aniya silang aktibong isasagawa ng iba't ibang panig ang mga aksyong makakatulong sa kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko.
Salin:Vera