Ipnahayag kahapon sa Beijing ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagsisikap ang Tsina para malutas ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng direktang talastasan sa mga may kinalamang bansa.
Nakatakdang idaos ngayong araw sa Singapore ang ika-11 Shangri-La Dialogues (SLD) at ang isyu ng SCS ay posibleng maging paksa ng diyalogong ito.
Sinabi ni Liu, na nagkakaroong di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa SCS at mga nakapaligid na rehiyong-pandagat. Narating na aniya ng mga bansang ASEAN ang Guidelines on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at umaasa siyang magsisikap ang iba't ibang panig, kasama ng Tsina, para mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan, upang makalikha ng magandang atmospera sa paglutas ng hidwaan hinggil sa SCS.